Hindi na bago sa atin ang kasabihang, "Ang simula ay may kakambal na katapusan."
Sa lahat ng panauhing pandangal,
Sa kagalang-galang nating punong guro, Mr. Giovanni V. Velasco
Sa mga masisipag na Ulong guro ng bawat departamento,
Mga matitiyaga at maunawain nating mga guro at mga mapahmahal na magulang,
At sa mga kapwa magsisipagtapos,
Isang nagniningning at napakasiglang umaga sa ating lahat.
Alam kong marami sa atin ang takot sa di gaanong kakilalang lugar lalo na sa mga kapwa
likas ang pagkamahiyain. Ganoon ako nang una kong masilayan ang Ilocos Sur National High School. Ang pagiging sabik sa muling pagbabalik ng klase ay nalakipan ng takot ata pangambang baka hindi ko magawa ang responsibilidad sa sekondarya.
Nang biglang matauhan ang aking sarili. Natutunan kong makipag kaibigan sa aking mga kaklase kahit na hindi pa namin kilala ang bawat isa. Naging mas seryoso sa pag-aaral. Natutunan ko ring ayusin ang aking sarili para maging presentable sa tingin ng iba, at doon ko lang napansing ako'y nagbibinata narin pala.
Sabi ng karamihan, Ang hayskul daw ang pinaka masayang parte mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Sa palagay ko tama nga sila. Bawat araw ay puno ng tawanan. Galak sa dibdib ang siyang nararamdaman.Pero hindi rin maiiwasan ang iyakan na sanhi ng hindi pagkakaunawaan. Pero hindi parin sapat iyon para buwagin ang matatag na pagkakaibigan.
Maging ang aking mga guro'y naging kaibigan ko rin. Makipagkwentuhan minsan at saglit na tawana'y nakatulong upang maging maganda ang koneksyon ng guro sa estudyante nito.Hindi ba't napakasayang sariwain ang masasayang pangyayari ng ating nakaraan? Tuwing bakanteng oras, Imbes na tayo'y magbasa ng ating kwaderno'y nadiyan nakikipagkwentuhan. Masyang ibinabahagi ang nakakatuwang karanasan. O di kaya'y nasa labas na para parin kaming mga batang naghahabulan. Nakakatawa mang pakinggan pero ito'y ginagawa talaga namin minsan.
Napakabilis talaga ng panahon! parang kahapon lang nasa unang taon tayo pero ngayon narito tayo, magsisipagtapos at haharapin muli ang panibagong mukha ng buhay. Nakakalungkot lang isipin sa mga kapawa estudyanteng naligaw ang landas. Mensahe ko lang, sa susunod inyo na sanang pagbutihan.
Bago ko tapusin ang aking talumpati, hayaan niyo sana akong magpasalamat sa mga taong naging parte ng tinatamasa kong tagumpay. Unsa sa lahat ang ating mapahmahal at mga maaarugang mga magulang ikalawa ang ating mga gurong walang sawang gumabay patungo sa ruruok ng tagumpay at pangatlo ang ating poong maykapal dahil sa pagbibigay nga opportunidad na mabuhay . Maraming Salamat po!
Ang buhay ay puno ng takot at pagsubok pero pag may tiwala ka sa inyong sarili at may matibay na pananalig sa diyos paniguradong walang pangambang malalampasan ito.
Sa kapwa magsisipagtapos!
Maligayang pagtatapos sa inyong lahat! Maraming salamat!